Donita Nose may hanash kay kuya Wil

Donita Nose may hanash kay kuya Wil

February 21, 2023 @ 9:06 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Natitiyak ni Donita Nose na walang maisusumbat sa kanya si Willie Revillame.

Naglingkod bilang co-host noon ni Willie si Donita sa Wowowin.

Kamakailan kasi ay nilitanyahan ni Willie ang ilang personalidad sa pag-aakalang binibira siya ng mga ito.

Isinumbat pa ni Willie ang mga naitulong niya sa mga taong ‘yon.

Positibo si Donita na hindi raw mangyayaring may maisusumbat ang TV host sa kanya.

Tinatanawan daw ng gay host ng utang na loob ang ibinigay na financial support ni Willie sa kanya noong magka-Covid siya.

Totoo raw na maraming beses na siyang tinanggal sa Wowowin, pero never daw niyang tineyk against ‘yon kay Willie.

Ani Donita, “Kilala ko siya, pag gusto ka niya, gusto ka niya. Pag maayos kang magtrabaho, kukunin ka niya.”

However, Donita cannot speak for the others na lantarang pinarunggitan ni Willie on national TV.

“Basta ako, never niyang masusumbatan dahil wala naman akong sinabi against him. Wala talaga,” ayon pa kay Donita na nauunawaan daw ang damdamin ng dating boss niya.

Matatandaang ang ka-tandem noon ni Donita ay si Super Tekla.

Maging si Super Tekla ay out of Willie’s grace na dahil sa ‘di maayos na work attitude nito.

Dati rin ay aktibo sa pagba-vlog sina Tekla at Donita hanggang magpasya ang huli na i-dissolve ang kanilang tandem dahil din sa pagiging unprofessional ni Tekla.

Si Super Tekla kaya, may nice words din ba for Willie? Ronnie Carrasco III