Donna, na-bash sa ‘kanto-themed’ birthday party!

Donna, na-bash sa ‘kanto-themed’ birthday party!

August 15, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa man nakakapagpahinga sa unang issue ng baby-themed birthday photoshoot, pinuputakte na naman ngayon ng bashers si Donnalyn Bartolome dahil sa kanto-themed birthday party nito.

From the word itself, kanto, naisipan ni Donna na magpa-party sa kanto kagaya ng usual na handaan ng mga mahihirap.

May mga natuwa dahil naparamdam umano ni Donna sa kanila that she understands their situation pero marami ang na-bad trip dahil anila, birthday concept lang para sa vlogger ang kahirapan ng mga Pilipino.

Paliwanag naman ni Donna sa isang Facebook post, “My kanto-themed birthday party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable.

“So I relived the times when I was just starting out on my [birthday] last month, July 9, just like nu’ng time na walang-wala pa ako,” dagdag pa ng influencer.

Makikita sa photos na sa kanto ginanap ang party kung saan ang nga bisita ay nakapalibot sa mesa na may paper plates, mga pagkain na mabibili sa kanto, at may pa-karaoke pa.

Mukhang wala namang ibang intensyon si Donna sa concept na naisip niya kundi ang bumalik sa pinanggalingan niya pero may mga na-offend pa rin.

Mag-sorry kaya siya ulit this time kagaya nang nangyari sa baby-themed shoot niya? Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio