Donnalyn, kinondena sa baby-themed photos, nag-sorry !

Donnalyn, kinondena sa baby-themed photos, nag-sorry !

July 11, 2022 @ 4:34 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nag-birthday si Donnalyn Bartolome nu’ng July 9 at gumawa siya ng isang baby-themed na photoshoot na hindi nagustuhan ng mga netizen. Ang isa sa mga pics ay makikita ai Donnalyn na parang baby na sinusupsop ang tsupon. May isa pa siyang pic na naka-sexy outfit habang may hawak na bottle of kilk. Ang isang pic naman ay naka-topless na tanging bib lang ang magtatakip sa dibdib.

Sinabi ng karamihan sa mga netizens na sine-sexualize diumano ni Donnalyn ang innocence ng mga bata through her intended birthday photos.

As of press time ay nai-take down na ni Donnalyn ang birthday photos lalo na nang nakatanggap siya ng babala sa Facebook at saka siya nagbigay ng apology letter.

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth,” sabi niya na may broken heart emoji.

Sinabi pa ni Donnalyn na hindi niya agad na-remove ang kanyang post to work on the photos’ copyright para ma-prevent ang pagkalat nito online.

Humingi na ng tulong si Donnalyn sa kanyang mga supporters to help her by “sending the links of the post of anyone who reposted” her birthday photos para ma-take down ito ng kanyang team.

“Almost a million people across [social media] platforms thought of it light and funny because they know my personality and didn’t look at it that way hence our initial reaction to the idea was the same… but upon reading other people’s perspective, I completely agree. I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say,” pag-explain ni Donna.

Tinawag pa nga siyang “overprotective” sa kanyang mga kapatid na inalagaan niya since she was 11, just to prove a point that sexualizing baby-themed photos is the last thing that she would intend to do.

Ponasalamatan naman ni Donnalyn ang mga netizens na tumawag ng kanyang pansin.

“You’re the type of people who help me become a better person everyday as I hold the responsibility of influencing millions. It’s not easy… but I’ll do my best,” sabi pa niya. Joey Sarmiento