Donnalyn, may babala sa ‘nangdenggoy’ sa kanya!

Donnalyn, may babala sa ‘nangdenggoy’ sa kanya!

July 8, 2021 @ 9:27 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Sising-sisi si Donnalyn Bartolome na nagtiwala siya sa isang kakilalang guy na nangutang ng isang milyong piso na hindi pa bayad hanggang ngayon. Idinaan niya sa kanyang Facebook account ang reklamo laban sa pinautang niya via bank transfer.

Hindi sila eksaktong magkaibigan kundi may mutual friend sila, dahilan para pagkatiwalaan ang lalaki.

Ayon sa nangutang, kinailangan niya ng show money para makabili ng kotse.

Isang araw lang ang usapan nila para maibalik ang pera, pero hindi ito tinupad ng ‘di niya pinangalanang lalaki. Kesyo na-scam daw ito at tangay pati apat na milyong piso nito.

Hindi bumenta kay Donnalyn ang palusot na ‘yon sa kabila ng pangako ng lalaki na uunti-untiin niya ang pagbabayad ng inutang sa aktres. Maging ang paunang bayad daw nitong P400,000 na idedeposito sa account ni Donnalyn ay wala rin.

Nagbabala na si Donnalyn na gagawa ng legal na hakbang kung hindi siya mababayaran ng halagang ‘di raw biro.

Pero mas matindi ang binitawan niyang salita, “Those who treat me with disrespect, minamalas!” Ronnie Carrasco III