Donny, nag-‘feeling’ kay Post Malone!

Donny, nag-‘feeling’ kay Post Malone!

December 6, 2022 @ 2:53 PM 2 months ago


Dubai, UAE – Sana all!

‘Yan ang hirit ngayon ng netizens sa comments section matapos mag-post ni Donny Pangilinan ng photo kasama ang international hiphop star na si Post Malone.

Makikita sa Instagram story ni Donny na naka-akbay ito kay Post Malone habang may hawak na bote ng alak.

“My brother,” caption ng aktor na naka-tagpa sa award winning singer-songwriter.

“Kung maka-brother Donny ha!”

“Luh, kapatid mo pala siya?”

Biro ng ilang netizens sa comments section.

Aba, nag-feeling ‘brothet’ pala si Donny kay Malone.

Bukod kay Donny, nagbahagi rin ang love team nitong si Belle Mariano ng selfie kasama ang nasabing American singer. Paula Jonabelle Ignacio