DOST CRADLE naghain ng masustansyang food innovations para sa mga kumpanya, MSMEs

DOST CRADLE naghain ng masustansyang food innovations para sa mga kumpanya, MSMEs

January 18, 2022 @ 3:09 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Malutong na balat, nakakatakam na karne at malinamnam na sarsa – may espesyal na pwesto ang lechon sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino tuwing may okasyon at piyesta. Ang lechon ay nakapagbibigay ng malakas na kita sa mga local na lechoneros. Ngunit pag tapos ng kapaskuhan, malimit na nagiging problema ng mga maliliit na negosyanteng ito ang nasasayang na produkto at kita sa hindi naibentang lechon.

Dala ng pandemya ang karagdagang pasakit sa mga Micro-to-Small-Medium Enterprises (MSMEs) na nangangailangan magbago at umayon sa pangangailangan ng health at travel restrictions.

Ang paghahanap ng solusyon para sa problema ng mga pribadong kumpanya at MSMEs sa pamamagitan ng research and development (R&D) ay ang layunin ng Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy (CRADLE) Program ng Department of Science and Technology (DOST). Sa pamamagitan ng 1st CRADLE Symposium na idinaos nuong Martes, ika-18 ng Enero 2022, research collaborations and technologies na related sa food and nutrition innovations ay ipinakita.

Pinamagatang “DOST-CRADLE’s Science Kusina – Innovative breakthroughs in food technology, health and nutrition: Sarap at Sustansya, mula sa agham at teknolohiya ng DOST CRADLE”, ang online event na ito ay nagpamalas ng breakthrough technologies tulad ng 1) longer-shelf life for lechon, 2) deriving additional nutrients from pineapples, 3) locally formulated vegan sausages, at 4) potential health and nutrition benefits from marine species.

“DOST-CRADLE enables industry members to pandemic-proof their business by solving the problem through R&D,” ayon kay DOST Undersecretary Rowena Cristina L. Guevara. “Innovation is the key for our private companies to sustain their business performance, despite the challenges brought about by restrictions in health and travel.”

Ang Tacloban City Litson Industry Association (TACLIYA), isang grupo ng dalawanput apat (24) na micro entrepreneurs, ay nakakaranas ng pagkasayang ng 30 kg na lechon araw araw, na minsan umaabot sa 200 kg during off peak season. Sa pamamagitan ng DOST-CRADLE Program, TACLIYA ay nakapag-partner sa Eastern Visayas Food Innovation Center (EVFIC) at Eastern Visayas State University (EVSU). Ang EVFIC ay nag-reprocess ng sobrang lechon into shelf-stable products gaya ng “Lechon Paksiw de Leyte” na maaring maging mas malawak na market para sa mga lechoneros. Ang produkto ay ipo-proseso sa pamamagitan ng acidification and retort technology na mayroon sa EVFIC. Ginagamit din itong emergency food sa panahon ng kalamidad sa rehiyon.

Isa pang breakthrough ay ang partnership sa pagitan ng University of Santo Tomas (UST) at ng Banawe Soybean Corporation. Dahil sa layunin ng kumpanya para sa environmental protection at waste management, gumamit sila ng R&D para bigyan tuon ang food waste mula sa soymilk at tofu processing na tinatawag na okara. Ang produktong ito ay may mataas na antas ng protina at fiber na makakatulong sa pagiwas sa sakit tulad ng diabetes, hyperlipidemia, at obesity. Ito rin ay may mataas na antioxidant content at prebiotic benefits. Ang pag-aaral na ito ay gagawa ng gluten-free, vegan sausages mula sa okara.

Ang Del Monte Philippines at University of San Agustin ay lulutasin ang agricultural waste mula sa pinya. Ang Del Monte ay may problemang agricultural waste na umaabot sa 1 million metric tons kada taon mula sa pineapple stems at core, na punong puno ng nutrients. Ang nutrients na ito ay in the form of pineapple metabolites na may bromelain-like properties na may hypocholesterolemic effects at lipase activities na maaaring makuha mula sa metabolomics. Ang extracted compounds mula sa pinagtabasan ng pinya ay maide-develop sa high-value products tulad ng functional food ingredients at dietary supplements sa pagkain at inumin na magpo-produce ng desired health benefits.

Ang partnership ng Pascual Pharma Corporation at University of the Philippines-Visayas ay gagawa ng pagkain para sa better survival at therapy, lalo na sa mga may sakit (especially chronic or terminal diseases). Ang proyektong ito ay gagawa ng pagkain na madaling i-digest, na babagay sa mga nagpapagaling at mapapalakas lalo ang immune system responses. Ang proyektong ito ay gagamit ng bioavailable proteins at bioactive peptides mula sa low-cost fish species. Ang peptides na ito ay gagamitin sa gagawing low-cost adjunct therapies para sa post-surgery patients at ibang tao na may health dysfunctions. Mayroon din itong commercial value sa pag-aaral ng mixing the extracted fish proteins and peptides sa mga inumin.

Para sa mga kumpanya na gustong mag-avail ng DOST CRADLE Program, tumawag o sumulat sa DOST-Science for Change Project Management Office at 2/F ADMATEL Bldg., DOST Compound, Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig City, sa numerong (02) 8837-2943/ 8837-2930. Pwede ding magpadala ng email sa [email protected] RNT/SA