DOST kinuwestiyon sa kawalan ng promosyon sa science fairs, contests

DOST kinuwestiyon sa kawalan ng promosyon sa science fairs, contests

October 18, 2022 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinuwestiyon sa Senado ang Department of Science and Technology (DOST) sa kawalan ng promosyon ang programang paghahanap at pagpapaunlad ng batang siyentipiko sa pamamagitan ng fairs at paligsahan sa kabila nang kahalagahan nito sa bansa.

Sa ginanap na deliberasyon ng panukalang badyet ng DOST ng Senate finance subcommittee nitong Lunes, itinanong ni Senador Francis “Tol” Tolentino kay Secretary Renato Solidum Jr., kung mayroon programa ang gobyerno tuald ng science competition sa buong bansa katulad ng Palarong Pambansa – isang taunang sporting event ng mga batang atleta.

Bilang, sinabi ni Solium na mayroon naman silang natulad na programa.

“We have quizzes, and during the Science and Technology Week, usually the Philippine Science High School system would involve non-Pisay high schools to compete. Meron din tayong mga (We also have some students) within Pisay, they actually go out and compete,” ayon kay Solidum said.

“We have various contests for the tech – we have the SEI’ imake, wemake,’” aniya.

Ngunit, sinabi ni Tolentino na mukhang hindi naibabandila dahil maraming mamamayan ang walang nalalaman hinggil dito kaya’t naitanong nito kung bakit walang promosyon sa programa.

Iminungkahi din ni Tolentino sa DOST na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), upang makatuklas ang bansa ng susunod na henerasyon ng siyentipiko – tulad ni William Kevin Abran ng University of the Philippines na nag-eksperimento ng umiikot na tila dumbbell na bagay sa spece na isang prinsipyong puwedeng gamitin ng astronauts sa kalawakan.

“We coordinate with CHED, and everything ganon. Para isahan nalang, lahat ng magagaling sa science ganon sama-sama na. Malay natin, makakuha tayo ng isang gaya nito oh na mas magaling,” ayon kay Tolentino said, na tumutukoy kay Abran na naging International Finalist sa Asian Try Zero-G 2022.

Sinabi ni Solidum na mayroon ibang programa o contest ang ahensiya na hindi lamang nakatututok sa astronomy.

Kasunod nito, inungkat ni Tolentino kung magkano ang kailangang pondo ng DOST sa pagsasagawa ng science Olympics sa bansa.

Itinugon ni Philippine Science High School System Executive Director Lilia Habacon na gumastos sila ng P15 milyon sa sariling four-day science camp.

“Sir, we do conduct some science research summit limited to Philippine Science High School participants and usually we spend about P15 million, it’s about one week. And then, we also have another program which we call, ‘Kids Innovation Camp and Kids Innovation Challenge,’” ayon kay Habacon.

“In the Kids Innovation Camp, we teach them some problem-solving skills such as the engineering process, and the design process, that’s a four-day lecture. Pero, doon po, Mr. senator, ang output are posters lang [But for that particular matter, the output is just for postering],” dagdag niya. Ernie Reyes