DOT: 61 tourist sites hagip ng oil spill

DOT: 61 tourist sites hagip ng oil spill

March 16, 2023 @ 8:52 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 61 tourist sites ang apektado ng oil spill mula sa motor tanker na lumubog sa Oriental Mindoro, ayon sa Department of Tourism (DOT), at sinabing dadami pa ito.

“Our regional offices have been in very close collaboration and coordination with the Department of Environment and Natural Resources (DENR), the Coast Guard as well as our local government unit and other relevant government agencies,” pahayag ni DOT Secretary Christina  Frasco sa ulat nitong Miyerkules.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng DOT Mimaropa na bukas pa rin sa publiko ang rehiyon, maging ang ilang bahagi ng Oriental Mindoro.

“We still have a lot of attractions in the area—and I would like to emphasize as well that the heart and soul of our tourism attraction in Mindoro is Puerto Galera, and we are still open for business,” sabi ni DOT Mimaropa regional director Zeny Cinco Pallugna.

Iprinisenta rin ni Frasco ang tourism development plan para sa 2023 hanggang 2028 sa Tourism Stakeholders National Summit.

Target nito na gawing “tourism powerhouse” sa Asya ang Pilipinas sa pmamagitan ng pagpapakilala ng tourist attractions at pagdaragdag ng flights sa lokasyon ng mga ito.

“Connectivity is one of the most important components to ensure that we truly open up the country to tourism that also includes the decongestion of our primary gateways and utilization of our secondary gateways,” sabi ni Frasco. RNT/SA