DOT, Bohol nagkasa ng imbestigasyon vs ‘overpriced’ seafood sa Virgin Island

DOT, Bohol nagkasa ng imbestigasyon vs ‘overpriced’ seafood sa Virgin Island

August 3, 2022 @ 9:48 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nakikipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) sa Bohol province sa umano’y overpricing ng seafood ng mga nagtitinda sa Virgin Island sa Panglao.

Inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco nitong Martes ng gabi isa itong isyu na “DOT takes seriously especially as it concerns the welfare of tourists whose continued support for our destinations is critical to the recovery of the tourism industry”.

“While the DOT understands the current predicament and challenges faced by many tourism-related businesses and establishments that are gradually recouping losses due to previously imposed travel restrictions, I believe that due care must always be given to the overall experience of tourists whether it concerns upholding the quality of accommodations, attaining a certain level of service, or ensuring the reasonable pricing of products,” aniya.

“Tourism is a shared responsibility, and it is in helping each other along this period of recovery that we can fully enjoy the benefits that tourism brings,” dagdag niya.

Pinasalamatan ng Tourism chief si Bohol Governor Aris Aumentado at ang munisipalidad ng Panglao sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Aumentado ang temporary suspension ng biyahe patungong Virgin Island sa Panglao sa dahil sa isyu na nag-viral online kung saan inihayag ng netizen ang pagkadismaya nang umabot sa P26,000 ang binayaran para sa inorder na seafoods.

Inihayag pa niya na tinapik din ng DOT ang Department of Trade and Industry (DTI) upang tiyakin na “reasonable pricing standards are upheld for purposes of consumer protection”.

Dagdag pa, nakikipag-ugnayan na ang DOT Central Visayas sa local government unitssa rehiyon upang magbigay ng gabay sa mga pamantayan para sa probisyon ng tourist goods at mga serbisyo.

Sinabi ni Frasco na sasanayin din ng regional office ang frontline tourism workers at stakeholders sa isla. RNT/SA