DOT iimbitahan si Hyun Bin, BTS upang paigtingin ang turismo

DOT iimbitahan si Hyun Bin, BTS upang paigtingin ang turismo

June 5, 2021 @ 9:15 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nais imbitahan ng Department of Tourism South Korean superstars BTS at Hyun Bin upang mapaigting ang turismo sa bansa.

“I always ask our attaché that if possible, they should ask their media to come and bring Hyun Bin along with them,” ani Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Lahad ng kalihim na nakatakda sanang bumisit si Hyun Bin sa Boracay o Bohol bago ang pandemya.

“So that’s my goal, Hyun Bin and BTS,” aniya.

Dagdag nito na tanging mga fully vaccinated lamang ang maaaring makasama ng mga ito.

Ang mga South Korean ang isa sa mga nangungunang bisita ng Pilipinas.

Ayon pa kay Puyat na kahit may pandemya, maraming banyagang pelikula ang nag-shooting sa bansa tulad ng Caramoan sa Camarines Sur at El Nido sa Palawan.

Isinusulong din ng DOT chief ang “Green Lane” sa mga bakunadong balikbayan at turista.

Sa kasalukuyan, tanging mga balikbayan lamang ang pinapayagang pumasok sa bansa. RNT/ELM