DOT makikipag-usap sa LGUs, tourist spots sa protocols

DOT makikipag-usap sa LGUs, tourist spots sa protocols

January 29, 2022 @ 11:20 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Makikipag-usap ang Department of Tourism tungkol sa pamantayan para sa protocol na ipatutupad.

Kasunod ito ng pagluluwag sa mga dayuhan na fully vaccinated at manggagaling sa visa-free countries.

Sa panayam kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, makikipag-usap sila sa mga lokalidad partikular na sa tourist destinations.

“Ang national policy naman ng IATF is to follow the minimum health and safety protocols . . . Pero ’yung mga LGUs, isa-isa namin silang kakausapin kasama ng DILG na ito na ’yung, starting February 10, papayagan na ’yung visa-free countries,” ani Puyat.

“Because under the LGU may sarili silang autonomy, they can impose additional [rules]. It is really up to them but we are hoping also na they will also make it easier for our foreigners to travel.”

“We have to balance health and safety with the economy,” punto pa ni Puyat. RNT/FGDC