DOT: PH Tourist arrivals sumampa sa 2.6M nitong 2022

DOT: PH Tourist arrivals sumampa sa 2.6M nitong 2022

January 2, 2023 @ 10:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 2.6 milyong turista ang dumating sa Pilipinas noong 2022, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ito ay dahil sa pagbubukas ng borders sa lahat ng international travelers noong Pebrero, dagdag ng DOT, ayon sa ulat nitong Lunes.

Halos P173 billion tourism revenue ang naitala noong 2022, base sa departamento.

Inihayag din ng DOT na mahigit 628,000 arrivals ang returning Filipinos.

Kabilang sa top arriving international tourists ang mula sa US, South Korea, Australia, at United Kingdom.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na target ng DOT na magkaroong ng 4.8 million international visitors ngayong 2023. RNT/SA