DOT: RT-PCR tests dapat i-require ng resorts, ‘di antigen tests

DOT: RT-PCR tests dapat i-require ng resorts, ‘di antigen tests

July 14, 2021 @ 2:32 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Dapat hingiin ng mga resorts at iba pang tourism destinations ang negatibong RT-PCR tests mula sa mga turista at hindi antigen tests.

Ito ay kung hindi papayagan ng lokal na pamahalaan na makapasok ang ‘fully individual’ na turista, ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo Puyat.

“Dapat ngayon RT-PCR talaga,” saad ni  Romulo Puyat sa ANC’s Headstart.

“We’ve always asked doctors kung [puwedeng] antigen kasi mas mabilis ang results. Ang lumabas, maraming false negative.”

“Akala mo negative ka pero positive ka pala. That’s why the DOH said hindi na muna antigen,” lahad pa nito.

Hindi naman binanggit ng opisyal kung ano ang ipaparusa sa mga gagamit lamang ng antigen tests. RNT/FGDC