DOTr: 65 MRT-3 wagons kinumpuni

DOTr: 65 MRT-3 wagons kinumpuni

October 4, 2022 @ 7:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines-  Kinumpuni ang 65 light rail vehicles (LRVs) o wagons ng Metro Rail Transit (MRT-3), ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Martes.

Inihayag ng DOTr na kapag ino-overhaul ang isang LRV, kinukumpuni ang mga bahagi nito at pinapalitan. Sumasailalim din ito sa serye ng system checks upang matiyak ang ligtas na biyahe.

Samantala, pito lamang sa 72 MRT-3 wagons ang nakatakdang sumailalim sa general overhauling ng maintenance provider ng linya na Sumitomo-MHI-TESP. RNT/SA