DOTr: 70 sa 72 MRT-3 bagon, nakumpuni na

DOTr: 70 sa 72 MRT-3 bagon, nakumpuni na

December 13, 2022 @ 3:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na 70 sa 72 Manila Metro Rail Transit 3 (MRT-3) light rail vehicles (LRVs) o mga bagon ang nakumpuni na.

Dagdag ng DOTr, matagumpay na nai-deploy ang mga nasabing bagon sa mainline noong December 9, 2022.

“The ride is fast, comfortable, and cool inside the newly overhauled wagons that have gone through a series of speed and quality checks to ensure safe revenue travel,” paglalahad nito.

Samantala, dalawang bagon pa ang nakatakfang sumailalim sa general overhauling.

Ang pag-overhaul sa mga bagon ay bahagi ng maintenance program sa ilalim ng pangangasiwa ng MRT-3 maintenance provider. RNT/SA