DOTR, DOST sanib-pwersa sa automated fare collection

DOTR, DOST sanib-pwersa sa automated fare collection

December 24, 2022 @ 2:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Science and Technology (DOST) na maging magkatuwang sa pagbuo ng validation at testing facility para sa automated fare collection scheme (AFCS) na magpapabuti pa sa mass transport system sa buong bansa.

Mismong sina Transportation Secretary Jaime Bautista at DOST Secretary Renato Solidum ang pumirma ng kasunduan na naglalayong magtayo ng isang laboratory testing facility sa DOST-Electronics Product Development Center (EPDC) Bicutan, Taguig City, at pamumunuan ang mga panuntunan at responsibilidad ng dalawang partido kaugnay ng Certification and Validation (C&V) Testing of Fare Media at Transit Readers para sa AFCS.

Ani Bautista, ang pagtutulungang ito ay makabubuo ng ilang cashless payment technologies para sa mga mananakay at maging kapareho ng teknolohiya sa transportasyon na ginagamit sa ibang mga bansa sa Asya.

“We believe that we need to conform to global standards in terms of everything that we do. I think this is the only way for us to improve our transportation system,” pahayag ni Bautista.

“The DOTr-DOST partnership, which will be shown through this MOA, is a pure showcase of meaningful collaboration and improving and advancing the welfare of all stakeholders for the AFCS in the country,” dagdag pa niya.

Dagdag pa sa pinirmahang memorandum of agreement, ang DOTR at DOST ay magtatayo ng state-of-the-art testing equipment at validation facility para sa AFCS National Standards (NS) sa pamamagitan ng Electronics Product Development Center (EPDC) na pangangasiwaan ng DOST-Advanced Science and Technology Institute (ASTI).

Ang EPDC ay ang kauna-unahang electronics development at one-stop-shop facility ng bansa na makapagbibigay ng disenyo, prototyping, at testing services sa industriya ng electronics.

Tinitingnan pa ni Bautista ang Automated Guideway Transit (AGT), na binuo ng DOST at magkokonekta sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Maliban dito, lasama rin ang Hybrid Electric Road Train (HERT) na magiging opsyon sa mga bus na dumadaan sa EDSA Busway at ang nagpapatuloy nang Bus Rapid Transit (BRT) projects sa bansa. RNT/JGC