DOTR , KULANG SA PALIWANAG KAUGNAY SA FERRY

DOTR , KULANG SA PALIWANAG KAUGNAY SA FERRY

February 27, 2023 @ 10:54 AM 3 weeks ago


KADA magpapalit ng administrasyon ang pamahalaan, tila walang nakareresolba nang palagiang nating problema – ang trapik.

Ngayong bago na naman ang ‘di pa umaabot nang isang taon na Administrasyong Marcos, binubuhay ang dati nang naisipang solusyon sa pagbibiyahe o trapik – ang paggamit ng ‘ferry’.

Siyempre, ang pangunahing ahensiya na nagtutulak nito ay ang Department of Transportation na nag-relaunch ng sinasabing “improved” Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake o MAPALLA Ferry System.

Ito ay sa pag-asa na makagagaan ng pagbibiyahe at trapik, lalo na sa Metro Manila.
Sa pakikipagtulungan ng Public-Private Partnership Center, ang project, matapos ang dalawang-dekada nang pagsusubok sa solusyon ay prioridad na muli sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Tinatayang 9.6 million na mananakay ang makikinabang sa MAPALLA Ferry System na magbibigay ng alternatibong masasakyan sa pagbibiyahe sa mga lugar ng Metro Manila, Cavite, at Laguna.

Ayon sa DoTr, ang ferry stations ay madaling puntahan ng mga tao at gumagamit ng mga modernong “low-carbon” na makinang pang-tubig.

Sa ngayon ay nagdadaos ang DoTr ng mga ‘public consultation’ upang makakuha pa ng mga ideya na maisasama sa proyekto. At ang makakalap na mahalagang bagay ay tiyak na magagamit tulad ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Mandaluyong para sa project na noon pang 2012 ipinanukala.

Ang ferry system na ito ay bibiyahe sa Manila Bay, Pasig River, Marikina River, at Laguna Lake. Katulong ang private sector para sa paglalagay ng pasilidad gaya ng ‘landing’ at ‘passenger terminal facilities’ at istasyon.

Ang kulang dito sa tingin ko ay aktibong pagpapaliwanag at pagpapaalam sa publiko ng mga impormasyong dapat malaman ng mga taga-Metro Manila – may ferry na silang pwedeng sakyan para makaiwas sa pesteng trapik.

Oo oOo oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!