DOTr magpapasakay na lang ng fully vaxxed workers sa PUVs sa NCR sa Peb. 25

DOTr magpapasakay na lang ng fully vaxxed workers sa PUVs sa NCR sa Peb. 25

January 26, 2022 @ 1:24 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Ipatutupad ng Department of Transportation sa Pebrero 25 ang polisiyang tanging fully vaccinated na manggagawa na lamang ang makasasakay sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

 “This is to ensure that only those fully protected against COVID-19 are safe from using public transport. Data show that workers who remain unvaccinated against the virus that causes COVID-19 are more vulnerable to severe and critical infections,” ani DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr. sa pahayag.

Sinabing pinag-usapan nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello, at Interior Secretary Eduardo Año ang nasabing baging guidelines sa inter-agency meeting noong Enero 21.

Maaalalang umarangkada ang ‘no vaccine, no ride’ policy sa Metro Manila noong Enero 2017.

Nagdulot naman ito ng ilang kalituhan at gusot sa mga commuter maging sa operator ng PUVs.

Paliwanag ng DOTr, ang mga partially vaccinated individual ay hindi na makasasakay sa mga pampublikong sasakyan kung paglipas ng 30 araw ay hindi pa sila nagpatuturok ng 2nd dose.

 “We want our workers to get fully vaccinated especially now that there is no longer a shortage of COVID-19 vaccines, and there is a threat of highly transmissible variants of the virus. We are giving our workers the time to get themselves vaccinated.”

Depensa pa ni Tuazon, ang bagong polisiya ay hindi ‘discriminatory.’

“As jointly decided by the DOLE, DILG, and DOTr, workers who will remain unvaccinated 30 days after the announcement are not being barred from their workplaces. They are simply not allowed to use public transportation, but can still use other means such as active transport, private vehicles, or company shuttle services.” RNT/FGDC