DOTr, MMDA sanib-pwersa sa implementasyon ng ‘no vaccine, no ride’ policy sa mga dyip

DOTr, MMDA sanib-pwersa sa implementasyon ng ‘no vaccine, no ride’ policy sa mga dyip

January 4, 2022 @ 3:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Tutulong ang Department of Transportation (DOTr) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na kailangan talaga ang pagtutulungan ng lahat lalo pa’t mahirap na ipatupad ang nasabing polisiya.

Bukod sa DOTr ay tutulong din ang LGUs at kapulisan.

“Well, ganoon din ano, as much as possible kung jeepney, sa totoo lang, napakahirap talaga sa ngayon ‘no dahil buong Metro Manila ito. Kaya importante pagtutulungan ng bawat isa, ng local government, ng nasa baba natin, pati MMDA ay tutulong dito, ng pribado, ng mga may-ari ng mga malls ‘no, pati na rin of course ang mga kapulisan natin. Tutulong po rito ang ating DOTr. Nakakuha nga ako ng sulat sa kanila at natutuwa po ako at nakikiisa po sila rito,” ayon kay Abalos.

 Sa katunayan aniya ay sumulat ang DOTr sa kanya para tiyakin ang pagtulong naman nito na masusunod ang 7 commandments sa public transport.

“Ito, sumulat ang Department of Transportation at ang sinabi nila, “That in the interest of public health safety of commuters, all bus companies, transport organizations and PUV operators are advised to closely supervise their drivers and conductors and ensure compliance within the seven commandments of public transport to wit: Number one, wear masks; number two, no talking and making phone calls. Bawal po ang magsalita at, of course, tumawag habang nasa pampublikong sasakyan,” ani Abalos.

“Bawal lalo ang kumain dahil tinatanggal mo ang mask; keep public utility vehicles well-ventilated; conduct of frequent disinfection; no passengers with COVID-19 symptoms are to be allowed inside the public transportation – iyong mga inuubo, mga ano, bawal po iyan; observe appropriate physical distancing rule,” dagdag na pahayag nito.

 Inatasan naman aniya ang mga LTO enforcers sa tulong ng PNP enforcers na ipatupad ang seven commandments partikular na ang 70% maximum passenger capacity limit.

“Signed, Acting Director Attorney Clarence Guinto. Ito po ay sa Department of Transportation and Land Transportation Office po,” aniya pa rin. Kris Jose