DOTR: MRT3 ops, maintenance lang ang target isapribado

DOTR: MRT3 ops, maintenance lang ang target isapribado

November 10, 2022 @ 10:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules na tanging operason at maintenance lamang ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) ang kinokonsidera para sa privatization, at hindi ang buong railway system.

“In response to news reports alleging that MRT-3 is up for sale, the Department of Transportation clarifies it is considering the possibility of turning over the Operations & Maintenance (O&M) of MRT-3 to qualified private sector operators towards improving its operational efficiency,” paglilinaw ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa social media post.

“We are looking at partnering with private rail operators for DOTr MRT-3’s operations and maintenance  under the same scheme with LRT 1  with the rail lines assets remaining government owned,” dagdag ni Bautista.

Inihayag pa ng Transportation chief na “railway systems should remain the most affordable and safest mode of mass transit in the country.”

Iginiit ng departmento na ang pagsasapribado ng operasyon at maintenance ng MRT ay inaasahang hindi lamang magpapabuti sa efficiency at kaligtasan nito mapababa ang operational cost upang mapanatili ang mababang pamasahe.

Sa kasalukuyan, subsidized ng pamahalaan ang operasyon ng LRT 1, LRT 2, MRT3 sa ilalim ng annual budget.

Nauna nang inihayag ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez na hindi maiiwasan ang taas-pasahe sa MRT3 kahit na hindi ito isapribado dahil sa pagtaas ng presyo ng spare parts at kuryente.

“It is not only necessary but inevitable that at a certain point in time, ay kinakailangang itaas ang pamasahe. Ang tanong na lang, magkano ang itataas at ano ang kapalit nito–magandang serbisyo,” pahayag niya.

Pinag-aaralan ang planong pagsasapribado ng MRT3 sa nakatakdang pagtatapos ng Metro Rail Transit Corporation’s build-lease-transfer contract sa 2025. RNT/SA