DOTr naglagay ng bus timers sa Edsa busway stations

DOTr naglagay ng bus timers sa Edsa busway stations

September 24, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector nitong Biyernes na naglagay ng bus timers sa 13 Edsa busway stations sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Ang pagkakabit ng mga bus timer ay naglalayon na mapadali at mas maisaayos ang sistema ng pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa EDSA Busway,” saad sa Facebook post ng DOTr Philippines.

Ang bus timers ay operational sa Miyerkules sa mga sumusunod na istasyon:

  • Monumento MCU

  • New Neighborhoods

  • Balintawak

  • Muñoz

  • North MRT Station

  • Quezon Avenue MRT Station

  • Q-Mart

  • Main Ave

  • Ortigas MRT

  • Guadalupe MRT

  • Buendia

  • Taft Ave

  • Roxas Blvd.

Base sa DOTr, kada bus timer ay may tatlong aspect signal lanterns na may two-digit timer, pole, at lighting. Mayroon din itong traffic signal local controller kabilang ang detector cards at loop detectors.

Kada isang bus unit na magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa mga nasabing istasyon ay magkakaroon ng 30-second maximum duration limit. Sa pagdating ng susunod na bus, awtomatiko itong magre-reset, base sa DOTr. RNT/SA