DOTr: North-South Commuter Railway matatapos on-time

DOTr: North-South Commuter Railway matatapos on-time

August 12, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na matatapos “on time” ang North-South Commuter Railway (NSCR) project kasunod ng inspeksyon sa Balagtas Station at Malanday Depot ng rail system sa Bulacan noong Miyerkules.

“We will see to it that this project will be done on time and we will follow the instructions of the President—full speed ahead,” sinabi ni Bautista sa Facebook post nitong Huwebes.

Sa ngayon, ang istasyon ng Balagtas ay “higit sa kalahati” na kumpleto habang ang Malanday Station ay 39.01 porsyento ang kumpleto. Parehong bahagi ng Phase 1 (Tutuban-Malolos) ng NSCR, ang napakalaking 147-kilometrong rail transport na tumatakbo mula North to South Luzon at pinamamahalaan ng Philippine National Railways (PNR).

Kapag natapos na, makikita ang PNR Clark Phase 1 na magdudugtong sa Tutuban sa Maynila sa Malolos, Bulacan at babawasan ang oras ng paglalakbay mula sa isang oras at 30 minuto hanggang 35 minuto na lamang na may kapasidad na 300,000 pasahero araw-araw.

Sa kabilang dako, ang Contract Package 1 (Solis to Bocaue) ng NSCR ay 31.04 percent ay nakumpleto na at Contract Package 2 (Balagtas to Malolos) ay 58.81 percent complete—
na ang mga column para sa Contract Package 2 ay 75.56 percent na ang kumpleto.

Sa kanyang inspeksyon, sinubukan ni Bautista ang bagong train operation simulator ng NSCR mula sa Japan at tiningnan ang bagong eight-car train set nito.

Ang train set ay ang pinakamahabang electric multiple unit train set sa bansa, na may sukat na 160 metro ang haba, nagtatampok ng pinakamataas na bilis na 120 kilometro bawat oras, at maaaring magdala ng hanggang 2,228 na pasahero sa isang pagkakataon.

Sa naturang event, kasama ni Bautista sina DOTr Undersecretary for Planning Timothy John Batan, Undersecretary for Railways Cesar Chavez, Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, PNR General Manager Jeremy Regino, at mga project contractors.

Magkakaroon naman ng 35 istasyon , 464 na tren at may inaprubahang halaga ng National Economic and Development Authority kapag ito ay natapos na.

Inaasahang makatatanggap ito ng mahigit isang milyong pasahero kada araw sa 28 lungsod at munisipalidad sa Central Luzon, National Capital Region, at Calabarzon. Jocelyn Tabangcura-Domenden