DOTR officials pinagsusumite ng SALN sa anti-corruption task force

DOTR officials pinagsusumite ng SALN sa anti-corruption task force

November 22, 2020 @ 4:17 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) ng Department of Transportation (DOTr) ang mga opisyal nito sa anti-corruption task force.

“Sabi ko, ikumpara ‘yun at ipakita at sabihin sa akin kung meron silang nakikitang dapat bigyang pansin,” ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

“We already had a meeting and agreed to comply with the requirement asked for by the Presidential Anti-Corruption Commission, so we can show that we are cooperating with the government in addressing and eradicating corruption,” lahad nito.

Saad ni Tugade na pinagsusumite nito ang mga opisyal ng departamento kasama ang project management at procurement ng tatlong taong SALN nito.

Nitong nakaraang taon lamang ay 128 tauhan na ng DOTr ang napatalsik sa serbisyo dahil sa grave misconduct at conduct prejudicial to the service’s best interest.

Mayroong ding 20 pang inalis sa pwesto at 17 ang suspendido.

Dagdag nito na lahat ng bidding at pagpupulong sa mga kontraktor ay naka-livestream upang maiwasan ang panunuhol.

Nitong nakaraang dalawang linggo lamang ay nakatanggap na ng halos 60 reklamo ang nasabing task force.

Sa utos ni Pangulong Duterte, prayoridad sa imbestigasyon ang PhilHealth, the Bureau of Customs, the Bureau of Internal Revenue, the Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...