DOTR pinagpapaliwanag ni Poe sa kakulangan ng Beep cards

DOTR pinagpapaliwanag ni Poe sa kakulangan ng Beep cards

December 2, 2022 @ 5:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTR) na ipaliwanag nito ang ulat na nagkakaroon ng kakulangan o shortage sa Beep card na ginagamit sa mga railway systems sa Metro Manila.

“The Department of Transportation should explain the scarcity of beep cards that burdens our people using trains,” pahayag ni Poe na siya ring chairperson ng Senate committee on public services.

“The time spent lining up for every single-journey ticket is a moment wasted for our already weary commuters,” dagdag pa niya.

Nais din ni Poe na magpaliwanag ang DOTR sa mga kumakalat na ulat na dahil dito ay bumibili na sa mas mahal na halaga ang mga mananakay para lamang magkaroon ng stored value cards (SVC).

“The lack of Beep cards is a step backward to our goal to digitalize our transportation payment scheme as a safer and convenient mode,” anang Senador.

“We have allocated billions for the development and modernization of our railway system. Our people must feel the fruits of their hard-earned taxes,” dagdag niya.

Noong Agosto ay nauna nang nagbabala ang DOTR sa posibilidad ng shortage sa Beep card dahil din sa kakulangan sa suplay ng chip na ginagamit dito.

Kamakailan naman ay sinabi ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na umaasa ang DOTR na magbabalik na sa normal ang suplay ng SVC sa unang bahagi ng 2023. RNT/JGC