DOTr: Pinakamaraming pasahero mula Hunyo 2020 naitala ng MRT-3

DOTr: Pinakamaraming pasahero mula Hunyo 2020 naitala ng MRT-3

June 7, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naserbisyohan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Lunes ang 370,276 pasahero–ang pinakamataas na bilang ng pasahero simula nang muling umarangkada ang operasyon ng tren nitong Hunyo 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Transportation (DOTr) said sa isang Facebook post.

Iniugnay naman ng DOTr ang maraming bilang ng mga pasahero sa programang libreng sakay ng pamahalaan.

“Ito ay resulta ng pagpapatupad ng LIBRENG SAKAY sa MRT-3 at pagpapatakbo ng mas maraming train sets, na binubuo ng nasa 14 hanggang 16 3-car CKD train sets, at apat na 4-car CKD train sets sa mainline tuwing operational hours,” sabi ng ahensya nitong Martes sa isang post.

Ipinaliwanag ng DOTr na kasya sa kada isang train car ang 394 pasahero.

Bago ang pandemya, nasa pagitan ng 250,000 hanggang 300,000 pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw.

Muling umarangkada ang MRT-3 nitong Hunyo 1,2022 nang ilagay ang Metro Manila sa general community quarantine. RNT/SA