DOTr pinakikilos vs motorcycle riders na nanghihingi ng tip

DOTr pinakikilos vs motorcycle riders na nanghihingi ng tip

January 30, 2023 @ 12:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- “No tip, No Ride.”

Ayon kay Suridao del Norte Rep Robert Ace Barbers, ito na ang nagiging sistema sa ngayon ng ilang tiwaling motorcycle riders na unang maghihingi ng tip bago ituloy ang booking ng kanilang mga pasahero.

Aniya, dapat kumilos ang Department of Transportation (DOTr) at agad na imbestigahan ang natanggap nilang mga report na marami na ngayong “choosy” motorcycle taxi riders.

“The DOTr must look into such complaints since this is a form of abuse. The fact that there is still no law regulating motorcycle taxis means that the DOTr and other concerned transportarion agencies must be more mindful and responsive of such complaints,” pahayag ni Barbers.

Kwento ni Barbers,base sa kanilang natanggap na mga reklamo ay ang commuters ang syang nagdedeklara kung magkano ang tip na kanilang ibibigay at nakadepende sa tip kung tatanggapin ng rider ang booking.

Aniya, napipilitan ang commuters na magbigay ng tip dahil kung hindi ay hirap silang kumuha ng rider.

“Those who can’t provide a tip during booking for one reason or another often have to wait for a long time are left at the mercy of these motorcycle taxi companies,” dagdag pa ni Barbers.

Sa ngayon ay tatlong motorcycle-based transportation network companies (TNC) pa lamang ang pinapayagang mag-operate bilang bahagi ng isinasagawang pilot testing scheme para sa motorcycle taxi kabilang ang Angkas, JoyRide at Move It kaya naman pinakikilos ni Barbers ang DOTr at Land Transportation Office (LTO) na bilisan ang pagtanggap pa ng ibang players.

“A simple solution to this is for the ongoing pilot testing scheme on motorcycle taxis to be expanded to accept more players,” panukala ni Barbers.

“More players mean that commuters will have higher chances of booking a ride immediately, which is the point of having these types of conveyances in the first place,” pagtatapos pa ng mambabatas. Gail Mendoza