DOTr Sec. sa PPA: Shipping, travel costs bawasan

DOTr Sec. sa PPA: Shipping, travel costs bawasan

July 7, 2022 @ 5:12 PM 1 month ago


MNAILA, Philippines- Ipinag-utos ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista sa Philippine Ports Authority (PPA) nang sorpresa itong bumisita ngayong Huwebes na bawasan ang shipping, travel costs, at panatilihin ang ligtas at maginhawang paglalakbay.

Ang plano ni Bautista ay upang higit pang paunlarin ang industriya ng daungan at pagandahin ang mga benepisyo sa mga kargador at manlalakbay.

“As we wait for the appointment of your General Manager, which will happen in the next couple of days, please make sure to further reduce shipping and travel costs nationwide and maintain the high quality of service in all ports,” pagbibigay-diin ni Bautista.

“All employees should also observe and maintain their integrity and transparency at all times to avoid tainting the reputation of Government service,” dagdag pa niya.

Nangako rin ito ng buong suporta sa ahensya partikular sa lugar ng government-to-government interconnectivity, information and communication technology, personnel recruitment sa koordinasyon ng Civil Service Commission, at pagsunod sa mga pandaigdigang pinakamahuhusay na kagawian, bukod sa iba pa.

Bago ang pagkakatalaga kay Bautista sa DOTr, natapos na ng PPA ang humigit-kumulang 248 na mga proyekto sa pagpapaunlad ng daungan na bahagi ng 586 na natapos na mga proyekto sa daungan sa ilalim ng nakaraang Kalihim ng DOTr.

Ang mga proyekto ay idinisenyo upang mapataas ang produktibidad, at kapasidad at gawing makabago ang mga pasilidad ng mga daungan upang mag-alok ng kaginhawahan sa mga manlalakbay at mga kargador.

Sa susunod na 100 araw, makumpleto ng PPA ang pito pang seaport projects, mahalaga sa pagpapabilis ng koneksyon sa pagitan ng mga isla hindi lamang sa maikling panahon ngunit hindi bababa sa susunod na 5 hanggang 6 na taon.

“The Philippine Ports Authority will play a very important role in achieving the goal of the president for accessible, affordable, comfortable, and safe transportation. Help me achieve that desire of the President to help the riding public,” sabi pa ni Bautista. Jocelyn Tabangcura-Domenden