DOTr target maglagay ng bus lanes sa Commonwealth, iba pang probinsya

DOTr target maglagay ng bus lanes sa Commonwealth, iba pang probinsya

December 13, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ng Department of Transportation ang paglalagay ng kaukulang bus lanes kagaya ng EDSA Carousel sa major thoroughfares sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro, at Metro Manila gaya ng Commonwealth Avenue.

Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa hearing ng Commission on Appointments nang tanungin ni Senator Risa Hontiveros kung bakit EDSA lamang ang kalsada na may dedicated bus lane.

“Palagay ko po kailangan po nating magkaroon ng more dedicated lanes po. ‘Yun pong EDSA Carousel po maganda ang naging resulta at pinag-uusapan na po namin sa road sector ‘yung possibility of having dedicated bus lanes sa major thoroughfares like Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, ‘yun pong mga malalapad na mga kalye po natin sa Metro Manila para po mabigyan natin ng mabilis na transportasyon,” pahayag niya.

“Katulad po ng EDSA Carousel na from North Ave. to Ayala is less than 30 minutes. Palagay ko po kailangan po gawin natin ito lalo na sa mga (We also need to do this in) major cities not only in Metro Manila but also in Cebu, Davao and Cagayan de Oro,” dagdag niya.

Ikinatuwa naman ni Hontiveros ang pahayag ni Bautista, at inihayag na pwedeng i-adopt ng pamahalaan ang best models sa Jakarta, Indonesia na mayroon nang designated 388 kilometers ng kalsada bilang bus lanes. RNT/SA