DOTr target magtayo ng bagong paliparan sa 4 lalawigan

DOTr target magtayo ng bagong paliparan sa 4 lalawigan

August 3, 2022 @ 4:30 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Tinitingnan ng Department of Transportation (DOTr) ang konstruksyon ng bagong paliparan sa apat na probinsya.

Ibinunyag ni Transportation Undersecretary Timothy Batan na tinitingnan ng DOTr ang pagtatayo ng mga bagong paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate, at Bukidnon, bukod sa iba pang mga lalawigan at bayan.

“Ang objective natin diyan ay magkaroon ng mas safe at mas malawak na reach ang ating mga airports at nang tayo ay makapag-accommodate ng mas maraming flight sa mga pasahero,” sabi ni Batan Laging Handa public briefing.

Bukod sa mga nasabing lalawigan, binanggit ni Batan na tututukan ng gobyerno ang paglikha ng New Manila International Airport sa Bulacan at Sangley International Airport sa Cavite.

Kasama aniya sa prayoridad ng administrasyon ang pagtatayo ng bagong international airport na magseserbisyo sa Kamaynilaan.

Isa sa mga proyekto ng DOTr ay gawing moderno ang mga pasilidad ng paliparan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng biometric technology at self-service check-in at boarding solutions, ani Batan.

Tulad din aniya ng sinasabi ni Secretary Bautista, ang layunin ng Kagawaran ng Transportasyon ay makapaghatid ng isang affordable, convenient, safe, at accessible na transport service para sa ating mga kababayan.

“Mahalagang parte niyan ang ating mga paliparan dahil sa tayo ay isang archipelagic na bansa kung saan marami tayong isla at para makapunta sa ating mga iba’t ibang isla, kailangan natin ang mga airports,” punto pa ni Batan.

Isang mahalagang bahagi nito ang ating mga paliparan dahil tayo ay isang archipelagic country kung saan marami tayong mga isla at para makapunta sa iba’t ibang isla, kailangan natin ng mga paliparan. Sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nangako siyang magtatayo ng higit pang mga internasyonal na paliparan upang palakasin ang turismo.

Isang mahalagang bahagi nito ang ating mga paliparan dahil tayo ay isang archipelagic country kung saan marami tayong mga isla at para makapunta sa iba’t ibang isla, kailangan natin ng mga paliparan.

Sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nangako siyang magtatayo ng higit pang mga internasyonal na paliparan upang palakasin ang turismo. Jocelyn Tabangcura-Domenden