DOTr: Tugon ng Pinas sa EMSA, binubusisi pa

DOTr: Tugon ng Pinas sa EMSA, binubusisi pa

November 29, 2022 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na kasalukuyang gumugulong ang ebalwasyon sa compliance nga bansa sa pamantayan ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

“We have talked to the European Maritime Safety Agency and they told us they are evaluating the response of the Philippine government,” ani Transportation SecretaryJaime Bautista nitong Martes.

Inihayag ni Bautista na ang tugon ng pamahalaan, na isinumite noong Marso 2022 sa ilalim ng Duterte administration, ay naglalaman ng mga plano at mga programa upang tugunan ang mga isyu na inilatag ng EMSA.

Tiniyak din ng DOTr official na inaaksyunan na ito ng kasalukuyang administrasyon t ina-update ang EMSA sa proseso.

Nitong Oktubre, nagbabala si Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na 50,000 Filipino seafarers na kasalukuyang naka-deploy sa European Union (EU) ang nanganganib na mawalan ng trabaho sakaling hindi makasunod ang Pilipinas sa pamantayan ng EMSA.

Iginiit ng EMSA na sa 2020 audit nito, natuklasan ang 13 shortcomings at 23 grievances, kabilang ang kakulangan sa training equipment at inconsistencies sa teaching at assessment.

“Hopefully, we will be able to show to EMSA that the Philippine government has addressed most of these issues,” pahayag ni Bautista. “There are really some deficiencies in our system, but this is what we are trying to fix.”

Inihayag ng DOTr nitong Nobyembre na nagpapadala pa rin ng Filipino seafarers sa EU.

Ipinag-utos din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha sa body upang tiyakin na makasusunod ang Pilipinas sa ebalwasyon ng EMSA at makapasa sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers, anito.

Ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking suppliers ng sea-based workers sa buong mundo. RNT/SA