DOTR walang inirekomendang immediate phaseout ng traditional jeep – Bautista

DOTR walang inirekomendang immediate phaseout ng traditional jeep – Bautista

March 8, 2023 @ 4:54 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Miyerkules, Marso 8 na hindi nila inirekomenda ang agarang phaseout o pag-aalis sa mga traditional jeepney kaugnay ng planong modernization program sa mga public utility vehicles (PUV).

“Actually, we never recommended the immediate phaseout of the [traditional] jeepney,” sinabi ni Bautista kasabay ng Kapihan sa Manila Bay Forum.

“There are many components in the PUV Modernization Program. The phaseout is one of the last,” sinabi pa ng transportation chief.

Ang pahayag na ito ni Bautista ay kasunod ng anunsyo ng mga transport groups na Manibela at PISTON na ititigil na nila ang dapat sanang isang linggong transport strike, kasunod ng pakikipagpulong ng mga ito sa ilang opisyal ng pamahalaan kabilang si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.

Ayon kina PISTON president Mody Floranda at Manibela leader Mar Valbuena, balik na sa normal na operasyon ang mga pampasaherong jeepney at nagpahayag ng suporta sa PUVMP “in ways where no one gets left behind, just, humane, and reasonable.”

Matatandaan na naunang inanunsyo ng transport groups na magkakaroon sila ng isang linggong transport strike na nagsimula nitong Lunes, Marso 6 at magtatapos sana sa Linggo, Marso 12.

Kasabay ng pagdinig sa Senado, nilinaw ng DOTR at LTFRB na maaari pa ring makapamasada ang mga traditional jeepneys basta’t ito ay bahagi ng kooperatiba o na-consolidate.

Sa ilalim ng PUVMP, ang mga jeepney driver at operator ay dapat na lumahok o bumuo ng kooperatiba o korporasyon.

Layon din ng programa na palitan ang mga traditional jeepneys ng sasakyang pinapagana ng Euro-4, Euro-5, o Euro-6 compliant engines.

“Halimbawa, marami nang nag-order ng mga modern jeepney and itong capacity na ito will be enough to support the requirement ay kailangan i-phaseout na ito,” ani Bautista.

“What we meant by phaseout is we will not allow the use of not road-worthy, as long as the units are road-worthy and comply with the Philippine National Standards we will allow the use of these units,” sinabi pa niya.

Bukas din ito sa pagpapalawig pa ng December 31, 2023 na deadline para sa mga jeepney operator na makapagsama-sama o makabuo ng kooperatiba bilang tugon sa modernization program.

“I told Manibela to talk to me, have a dialogue and I will explain to the them the modernization program, I will listen to their complaints, issues, and we we’ll work together so we can implement the modernization as efficiently as we can considering what their concerns and what their recommendations are,” pagbabahagi pa ni Bautista.

Idinagdag pa nito, papayagan din ng DOTR ang remodeling ng traditional jeepneys “as long as they will comply with the Philippine National Standards.”

Sa hiwalay na payahag, sinabi rin ng LTFRB na bukas ito sa pagpapanatili ng traditional look ng mga jeepney basta’t ito ay tutugon sa Philippine National Standards na itinakda ng Bureau of Philippine Standards sa ilalim ng Department of Trade and Industry.

“The modernized jeep that you saw is clear proof that the traditional look can be maintained so the possibility of a phase out is very, very remote. What we only wanted was to improve the roadworthiness of the vehicle,” ani LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III. RNT/JGC