Double benefits sa laid-off solo parents isinusulong sa Kamara

Double benefits sa laid-off solo parents isinusulong sa Kamara

August 1, 2022 @ 11:19 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kapag solo parent ang tatanggalin sa trabaho ay doble insurance benefits ang dapat na matanggap.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 2229 na inihain ni Quezon City Rep Marvin Rillo kung saan sa halip na 50% ang involuntary separation payment ay gagawin itong doble o 100%.

“Single parents, being the only breadwinner in the household, are exceptionally vulnerable to economic hardship. They deserve greater financial support if they lose their jobs for reasons unrelated to their performance as employees,” paliwanag ni Rillo.

Ayon kay Rillo ang pagdoble ng insurance benefits sa mga solo parent ay tulong ng pamahalaan upang matiyak na maaalalayan ito at kanyang mga anak habang naghahanap muli ng bagong mapapasukan.

“We have to assure solo parents ample financial protection when they get thrown out of work. This way, while they are looking for new employment, their families will have the means to make ends meet,” ani Rillo.

Sa oras na maisabatas ay aamyendahan din  nito ang Social Security System (SSS) charter o Republic Act No. 11199 kung saan gagawin din na 100% ang subsidy sa laid off at qualified employees covered na miyembro ng SSS kasama ang overseas Filipino workers (OFWs).

Nabatid na 13 percent ng 109 million national population ng bansa ay mga solo parent. Gail Mendoza