‘Double standard policy’ ng IATF sa sabong kinondena ng gamefowl breeders

‘Double standard policy’ ng IATF sa sabong kinondena ng gamefowl breeders

September 22, 2020 @ 11:12 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Habang ang illegal online operations ng sabong ay nananatiling laganap at walang humpay, ang tagapagpatupad naman ng COVID-19 health protocols ay mistulang bingi sa panawagan ng lehitimong industry stakeholders na mag-operate nang legal at ligtas.

Ginawa ng mahigit sa 10,000-member International Federation of Gamefowl Breeders Association ang alegasyon sa harap ng tinatawag nitong ‘kawalang interes at malamig’ na pagtrato ng IATF sa apela ng FIGBA na ipagpatuloy ang  sports events nito na ltinatawag na ‘sabong’.

“Lahat ng government agencies na nilapitan ng FIGBA para makonsidera ang aming proposal para sa pagbukas ng mga derby tulad ng NEDA, Games and Amusement Board, DILG at mga lokal na pamahalaan, ay palaging itinuturo ang IATF na siya lang umano ang pwedeng mag-aprub sa aming kahilingan,” pahayag ni Ricardo Palmares, Jr., ang Presidente ng federation.

Binigyang-diin ni Palmares na sa petisyon ng FIGBA para sa muling pagbubukas ng mga sabungan ay naglatag ito ng sapat na safety measures na sumusunod sa pinakamataas na standard ng health protocols ng IATF, tulad ng ‘retrofitting at modular setting’ sa mga sabungan para sa physical distancing, wash at alcohol areas sa derby sites at mahigpit na pagsunod sa pagsusuot ng face mask at face shield.

“FIGBA and some lawmakers who’re sympathetic to our plight, like Reps. Sonny Lagon and Joseph Bernos, have also appealed for the imprimatur of President Duterte to whom we’ve shared the woes of our 42 provincial associations of breeders and the economic paralysis gripping the P75 billion gamefowl industry during this more than 6 months of COVID-19 pandemic, but until now we are still in limbo,” pagbibigay-diin ni Palmares.

Sa kanilang panig ay kinastigo naman ng local gamefowl breeders ang inilarawan nilang ‘sinadyang kapabayaan’ ng  law enforcers para masugpo ang talamak na online sabong at ang halatang pagkiling ng mga ito sa mga operator na inakusahan pa nilang pinahihina ang ‘survival’ ng gamefowl industry sa pag-aalok ng walang konsiderasyon at napakaliit na halaga para sa mga manok na panabong.

“Nagtataka kaming mga lehitimo at law-abiding breeders na naghihintay  at sumusunod sa utos ng IATF kung bakit nakapikit ang kanilang mga mata sa laganap na illegal online sabong na araw-araw naglalaban nang walang pagkilala sa health protocols at walang ambag na buwis sa ating gobyerno,” pahayag ng isang officer ng isang asosasyon ng local breeders sa Central Luzon, na binatikos din ang kawalang aksyon ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police para mapigilan ang naturang illegal na gawain.

Nauna rito ay nagpasaklolo ang gamefowl industry na may milyon-milyong direct at indirect beneficiaries at hindi kailanman inabala ang gobyerno para sa anomang social amelioration o pinansyal na tulong buhat nang pumutok ang coronavirus pandemic noong Marso, sa Pangulo para payagan ang muling pagdaraos ng sports events nito na tinatawag na ‘sabong’ makaraang hindi umano pansinin ng IATF ang petisyon nito.

Ipinaaabot kay Presidente Duterte sa kanyang apela para sa pang-unawa, sinabi ni Palmares na titiyakin niya sa Pangulo at sa health authorities na kahit magkaroon ng bakuna sa COVID-19, ang mahigit sa 10,000 breeders na lalahok sa FIGBA derbies ay aatasan pa ring sumunod sa maximum health protocols na ipinatutupad ng gobyerno.


  •  
  •  
  •  

Loading...