‘Double standard policy’ ng IATF sa sabong kinondena ng gamefowl breeders
September 22, 2020 @ 11:12 AM
5 months ago
Views:
2,454
Rico Navarro2020-09-22T14:41:21+08:00
MANILA, Philippines – Habang ang illegal online operations ng sabong ay nananatiling laganap at walang humpay, ang tagapagpatupad naman ng COVID-19 health protocols ay mistulang bingi sa panawagan ng lehitimong industry stakeholders na mag-operate nang legal at ligtas.
Ginawa ng mahigit sa 10,000-member International Federation of Gamefowl Breeders Association ang alegasyon sa harap ng tinatawag nitong ‘kawalang interes at malamig’ na pagtrato ng IATF sa apela ng FIGBA na ipagpatuloy ang sports events nito na ltinatawag na ‘sabong’.
“Lahat ng government agencies na nilapitan ng FIGBA para makonsidera ang aming proposal para sa pagbukas ng mga derby tulad ng NEDA, Games and Amusement Board, DILG at mga lokal na pamahalaan, ay palaging itinuturo ang IATF na siya lang umano ang pwedeng mag-aprub sa aming kahilingan,” pahayag ni Ricardo Palmares, Jr., ang Presidente ng federation.
Binigyang-diin ni Palmares na sa petisyon ng FIGBA para sa muling pagbubukas ng mga sabungan ay naglatag ito ng sapat na safety measures na sumusunod sa pinakamataas na standard ng health protocols ng IATF, tulad ng ‘retrofitting at modular setting’ sa mga sabungan para sa physical distancing, wash at alcohol areas sa derby sites at mahigpit na pagsunod sa pagsusuot ng face mask at face shield.
“FIGBA and some lawmakers who’re sympathetic to our plight, like Reps. Sonny Lagon and Joseph Bernos, have also appealed for the imprimatur of President Duterte to whom we’ve shared the woes of our 42 provincial associations of breeders and the economic paralysis gripping the P75 billion gamefowl industry during this more than 6 months of COVID-19 pandemic, but until now we are still in limbo,” pagbibigay-diin ni Palmares.
Sa kanilang panig ay kinastigo naman ng local gamefowl breeders ang inilarawan nilang ‘sinadyang kapabayaan’ ng law enforcers para masugpo ang talamak na online sabong at ang halatang pagkiling ng mga ito sa mga operator na inakusahan pa nilang pinahihina ang ‘survival’ ng gamefowl industry sa pag-aalok ng walang konsiderasyon at napakaliit na halaga para sa mga manok na panabong.
“Nagtataka kaming mga lehitimo at law-abiding breeders na naghihintay at sumusunod sa utos ng IATF kung bakit nakapikit ang kanilang mga mata sa laganap na illegal online sabong na araw-araw naglalaban nang walang pagkilala sa health protocols at walang ambag na buwis sa ating gobyerno,” pahayag ng isang officer ng isang asosasyon ng local breeders sa Central Luzon, na binatikos din ang kawalang aksyon ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police para mapigilan ang naturang illegal na gawain.
Nauna rito ay nagpasaklolo ang gamefowl industry na may milyon-milyong direct at indirect beneficiaries at hindi kailanman inabala ang gobyerno para sa anomang social amelioration o pinansyal na tulong buhat nang pumutok ang coronavirus pandemic noong Marso, sa Pangulo para payagan ang muling pagdaraos ng sports events nito na tinatawag na ‘sabong’ makaraang hindi umano pansinin ng IATF ang petisyon nito.
Ipinaaabot kay Presidente Duterte sa kanyang apela para sa pang-unawa, sinabi ni Palmares na titiyakin niya sa Pangulo at sa health authorities na kahit magkaroon ng bakuna sa COVID-19, ang mahigit sa 10,000 breeders na lalahok sa FIGBA derbies ay aatasan pa ring sumunod sa maximum health protocols na ipinatutupad ng gobyerno.
March 5, 2021 @6:00 PM
Views:
9
Manila, Philippines – Tiniyak na ligtas ang mga Pilipino sa New Zealand makaraang yumanig ang magnitude 8.1 lindol malapit sa Kermadec islands, kaninang umaga batay sa Philippine ambassador na nakatalaga sa lugar.
Sa panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to New Zealand Gary Domingo na walang Pilipino ang naapektuhan ng lindol ngunit kailangan nilang ilikas ang mga malapit sa coast na mula Bay of Islands hanggang Whangrei, mula Matata hanggang Tolaga Bay at Great Barrier Island.
Agad din naman silang nakabalik ng kanilang mga tahanan.
Iniulat na mayroon lamang 14 Filipino communities ang rehistrado sa embahada. RNT/FGDC
March 5, 2021 @5:51 PM
Views:
12
Manila, Philippines – May handog na libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga babae sa darating na Lunes, Marso 8 sa pagdiriwang ng International Women’s Day.
Sa anunsyo ng pamunuan sa Facebook page, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na may libreng sakay ang LRT-2 sa kababaihan mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.
Pinaalalahanan naman ang mga pasahero na panatilihing sumunod sa mga protocol sa loob ng istasyon upang hindi na kumalat pa ang coronavirus disease (COVID-19). RNT/FGDC
March 5, 2021 @5:42 PM
Views:
10
Manila, Philippines- Galing mismo sa bibig ng KTX.ph boss na si Gian Carlo Vizcarra, Regine’s ‘FREEDOM’ is beyond reasonable doubt the biggest earning concert on KTX to date.
Magaling na desisyon raw ang pagkaka-postpone ng concert to a much later date (February 28) dahil sa health emergency sa pamilya supposedly ng Songbird.
At least, nagkaroon sila ng time para puliduhin ang mga production numbers.
“Nanganak pa nga dahil send lang ako nang send kay Raul (Mitra, musical director) ng mga bagong piyesa dahil sa mga bagong inspiration ko, tulad ng feature on Britney (Hit Me Baby One More Time) and the principles she stood for,” Regine asseverated.
Napanood ang Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert sa pamamagitan ng various ABS-CBN platforms—KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, and SKYcable PPV.
In fairness, Ms. Velasquez was, beyond reasonable doubt, in her element while singing those memorable songs.
Kung sabagay, how could it fail when they commissioned two production teams and three directors no less.
Nakatutuwa namang lagare rin si Bamboo nu’ng Sunday night.
Imagine, he was able to sing the opening number “Noypi” at the 5th Film Ambassadors’ Night of the FDCP (Film Development Council of the Philippines), after which he went to the virtual concert of Regine, and sang a duet with her by way of the song ‘Himala’.
Still on the Freedom concert of Ms. Velasquez, she was able to sing more than 20 songs, both original and new.
Awe-inspiring ang kanyang pakikipag-duet sa kanyang sarili by way of the song “On The Wings of Love.”
Part ng repertoire ni Regine ang “When The Party Is Over” ni Billie Eilish, “Heart Shaker” ng TWICE, “Brooklyn Yellow Brick Road” ni Elton John, “Istorya” ng The Juans, at sariling awitin na “Bukas Sana” at “Tanging Mahal.”
Paolo Valenciano was the one in charge of the stage direction, Frank Mamaril was the TV director, and Raul Mitra was the show’s musical director. Pete Ampoloquio, Jr.
March 5, 2021 @5:40 PM
Views:
9
Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang hanging Amihan at magpapaulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley, batay sa PAGASA.
Samantala, maaari ring makaranas ng panaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dala ng easterlies at localized thunderstorms.
Habang nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat. RNT/FGDC
March 5, 2021 @5:28 PM
Views:
21
Manila, Philippines – Kumpiyansa si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na mananatili ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Maynila at Washington.
Ito ang naging pahayag ni Romualdez nang tanungin kung ano ang kahihinatnan ng VFA kung saan sinisingil ni President Rodrigo Duterte ang US na bayaran ang Pilipinas kung nais nilang magpatuloy ang agreement.
“Every year, pinag-uusapan ang VFA, iyong Mutual Defense Treaty (MDT). Ang interpretation namin sa sinabi ni Presidente ay dahil imo-modernize ang ating Armed Forces,” saad ni Romualdez sa Laging Handa briefing.
“Iyong listahan ng Pentagon [ng kailangan natin], pinadala na kay [Defense] Secretary Delfin Lorenzana. Iyong mga hiningi natin, mukhang kumpleto naman na…iyong kailangan natin na hardware, whatever we need from the US. Kapag nakita na iyon ng Presidente iyong listahan, it will probably satisfy the President’s concern in modernizing of our Armed Forces.”
Samantala, sinabi rin ni Romualdez na inaasahang makatatanggap sila ng 10 helikopter ngayong taon mula sa US.
“Mahaba iyong listahan na binigay kay Secretary Lorenzana on our modernation program. Lahat ng gusto natin, mga kailangan, medyo natupad na.”
“Matagal na itong relasyon natin sa Amerika, and I am confident na maski anong mangyari, we have an important relationship with America and we will continue to have good relations that is mutually beneficial,” dagdag pa nito. RNT/FGDC