Downloadable ePhilIDs target ilunsad sa Disyembre 

Downloadable ePhilIDs target ilunsad sa Disyembre 

November 24, 2022 @ 6:24 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippines Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes na gawing downloadable ang ePhilIDs — ang digital version ng national ID na iniimprenta sa registration centers — sa Disyembre ngayong taon.

“Maybe this December we can launch na ‘yung downloadable ePhilID,” sabi ni Engr. Fred Sollesta, officer-in-charge sa PhilSys Registry Office, sa public briefing.

“Para naman ito sa ating mga mamamayan na may mga access sa internet, may mga device na mag store talaga ng digital na version,” dagdag niya.

Subalit, sinabi ni Sollesta na para lamang ito sa mga nagbigay ng cellphone numbers.

“Kasi mag a-ano ‘yan, ‘yung process natin diyan ay magpapadala ‘yan ng one-time password using the number na binigay nila during step two registration,” aniya.

Base kay Sollesta, 3.6 milyong ePhilIDs hanggang nitong Nobyembre 23.

“Ito siya, ‘yung ePhilID natin, ay version 2 siya ng digital ID in printed form. So ito siya yung ating target for the end of the year December 2022 na makapag generate tayo ng 20 million,” pahayag niya.

“Pero ‘yung pre-generation natin ngayon ay nasa 11.15 million na and right on track sa ating target by the end of the year,” patuloy niya.

Samantala, sinabi ni Sollesta na 75.1 milyong Pilipino na ang nakapagparehistro na para sa step two ng Philippine Identification System.

Sinabi niya na ito ay 81.6% ng 92 milyong target ng PSA.

Base kay Sollesta, sinumang nais magparehistro ay pwedeng pumunta sa appointment system ng PSA sa psa.gov.ph. RNT/SA