Doxycycline capsules, prophylaxis vs leptos, ipinamahagi ng DOH-CALABARZON sa evacuation centers

Doxycycline capsules, prophylaxis vs leptos, ipinamahagi ng DOH-CALABARZON sa evacuation centers

November 19, 2020 @ 6:10 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Namahagi na ng Doxycycline capsules, Prophylaxis  at iba pang gamot ang Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa mga evacuation center sa Rodriquez, San Mateo at Cainta, Rizal  upang maiwasan ang leptospirosis .

Sinabi ni regional Director Dr. Eduardo C. Janairo na maliban sa nasabing gamot ay namahagi rin ang DOH-CALABARZON ng  mga hygiene kits at multivitamins bukod pa sa emergency kits.

Ayon pa kay Janairo, ang regional office ay handing tumugon at magbigay ng tulong kung saan may mga inilaang suplay ng gamot para sa bawat rpobisnya sakaling tumaas ang kaso ng sakit sa nasabing mga lugar.

Bukod dito, binabantayan na rin ang critical areas upang makapagbigay agad ng kinakailangang medical response sakaling may mga emergency o magkaroon ng epidemya.

“We have to ensure that health needs of the people, especially in times of calamities are properly and adequately addressed.” Ayon kay Janairo

“Sa ngayon, katulong namin ang local government ng mga bayan sa Rizal na nasalanta ng baha upang makahanap ng iba pang evacuation centers na magagamit dahil talagang siksikan na ang mga tao sa mga kasalukuyang tinutuluyan nila,” dagdag pa nito.

Ang lubhang naapektuhang munisipalidad ng pagbaha dahil sa bagyo ay ang Rodriquez, Rizal.

Sa ulat ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 25,000 pamilya ang naapektuhan  at ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Ang mga apektadong munisipalidad ngayon ay nasa state of calamity.

“Our emergency medical response team have been in the area since last week including mental health and psychosocial support team to provide address potential mental health needs of evacuees,” punto ni Janairo.

Kabilang din sa apektadong kalamidad sa Rizal ang 25 empleyado ng regional office na ngayon nasa evacuation centers kasama ng kanilang pamilya.

“We will also establish swab testing booths in these evacuation centers to prevent the transmission spread of the COVID virus,” anang opisyal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •