DPWH: 14 national roads sarado sa mga motorista sa pinsala ng lindol

DPWH: 14 national roads sarado sa mga motorista sa pinsala ng lindol

July 27, 2022 @ 2:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kasalukuyang nagsasagawa ng assessment ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na lubhang naapektuhaan ng malakas na lindol ngayong Miyerkules.

Ayon sa DPWH, nagdeploy na ng quick response teams upang suriin ang kaligtasan ng national roads at mga tulay gayundin ang iba pang pampublikong imprastraktura kasunod ng pagyanig kung saan ang epicenter ay sa Abra Province.

Inatasan na ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan ang DPWH Regional at District Engineering Offices (DEO) sa karamihang bahagi ng Luzon para agad suriin ang mga public infrastructure sa anumang pinsala na dulot ng lindol na posibleng maging panganib sa mga motorista at general public.

“Our teams of engineers are conducting assessment to evaluate the structural integrity and damage caused by the earthquake as we simultaneously clear debris along national roads and bridges,” sabi ni Bonoan.

Kabuuang 14 national roads ang hindi madaanan sa trapiko dahil sa bumagsak na tipak ng bato, pagguho ng lupa, at mga dahilan ng kaligtasan bilang resulta ng lindol.

Binanggit ng kalihim ang natanggap na inisyal report ngayong ala-una ng hapon, ang mga saradong kalsada sa kahabaan ng Abra ay ang Abra – Kalinga Road , Intermittent Sections, Abra dahil sa gumuhog lupa; Abra – Ilocos Norte Road, K0430+000 section at Calaba Bridge at Abra-Cervantes Road, sa Biweng Bridge .

Sa CAR, sarado rin ang Kennon Road, Benguet; Benguet-Nueva Vizcaya Road K0303+100, Bobok Bisal, Bokod Poblacion, Bokod Benguet; Baguio-Itogon Road, Itogon Bridge; Congressman Andres Acop Cosalan Road, Sitio, Bugao, Brgy. Adaoay, Kabayan, Benguet ; at Gov. Bado Dangwa National Road sa Beling-belis, Kapangan ang bahagi ng Poblacion, Kibungan, Benguet dahil sa nag-collapse na slope.

Gayundin ang Kalinga-Abra Road sa Ableg, Pail, Kaling; Abra, Pantikian hanggang Balblasang, Balbalan at Lubuagan-Batong Buhay Road sa Upper Kalinga; Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road, Wangwang, Tinoc sa Ifugao; at ibat-ibang sections sa Baguio – Bontoc Road, Mt. Province-Cagayan via Tabuk – Enrile Road, Mt. Province-Ilocos Sur Road via Kayan Mt. Province-Ilocos Sur Road via Tue sa Mountain Province ay hindi rin madaanan.

Pitong road section din ang may limitadong accesss sa CAR at Region 1 kabilang ang Asin Road, Asin, Baguio City; Palispis Marcos Highway, Poblacion, Tuba, Benguet; Baguio-Bontoc Road, Balili Bridge, Benguet; Benguet-Nueva Vizcaya , Sitio Lamut, Beckel, La Trinidad, Benguet; Congressman Andres Acop Cosalan Road , Sitio, Bugao, Brgy. Adaoay, Kabayan, Benguet; Baguio – Bauang Road – LS, Tadiangan, Tuba, Benguet; at Calungbuyan Bridge, Santa Rancho, Santa, Ilocos Sur. Jocelyn Tabangcura-Domenden