DPWH: 8 road sections sa ilang lugar, sarado pa rin

DPWH: 8 road sections sa ilang lugar, sarado pa rin

January 14, 2021 @ 7:17 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sarado pa rin  ang walong national road  bunsod  ng malalakas na pag-ulan  dala ng northeast monsoon at easterlies.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance, ang mga apektadong road section sa Cordillera Administrative Region  ay ang Jct. Talubin – Barlig – Natonin – Paracelis – Calaccad Road, Sta. Isabel, Natonin, Mt. Province dahil sa landslide.

Habang ang Tabuk-Banawe via Tanudan-Barlig Road sa Lubo, Tanudan, Kalinga ay sarado pa rin  simula nang manalasa aang Tropical Depression Vicky dahil din sa landslide.

Ang malakas na pag-uulan ay nakaapekto rin sa apat pang road sections sa Bicol Region kabilang ang Daang Maharlika, Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte; Jct. Panganiban‐Sabloyon Road, Brgy San Miguel, Panganiban, Catanduanes; Jct Baras‐Gigmoto‐Viga Road, Brgy. Sioron, Gigmoto, Catanduanes at Jct. Sorsogon-Bacon-Manito, sa  Sorsogon dahil sa nasirang tulay, kalsada ay landslide.

Sa Region 8, minomonitor at nililinis pa ng DPWH ang mga saradong kalsada sa  Bdry. Silago-Abuyog Road Panalian Bridge sa Southern Leyte at Wright-Taft-Borongan Road sections sa Camp.5 Bndry – Jct. Taft, Brgy. San Rafael,Taft, Eastern Samar at Brgy. Binaloan, Taft, Eastern Samar, dahil sa landslide at pagbagsak ng mga bato.

Ang Daang Maharlika, Layog Bridge sa Barangay Polahongan, Mahaplag, Leyte ay sarado rin simula December 15, 2020 dahil sa nasirang tulay.

Samantala, ang nanatiling sarado na lamang na kalsada sa Mindanao  dahil sa pabago-bagong sama ng panahon ay sa Dinagat- Loreto Road, Villa Ecleo,Basilis, Dinagat Islands dahil sa pagguho ng lupa.

Ang iba naming road sections ay nadadaanan na ngunit one-lane passable pa lamang ayon sa DPWH. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...