DPWH, all set na para sa #SemanaSanta2019

DPWH, all set na para sa #SemanaSanta2019

April 12, 2019 @ 7:49 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Handang handa na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa darating na Holy Week.

Nakahandang i-deploy ng DPWH ang kanilang motorist assistance teams sa susunod na linggo sa ilalim ng “Lakbay Alalay” program para umalalay sa mga byahero na magbabakasyon sa Semana Santa.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar na sa “Lakbay Alalay” ipupwesto ang mga tauhan ng ahensya na aalalay sa mga taong bibisita sa mga simbahan at magbabakasyon sa mga strategic locations sa buong bansa simula Holy Wednesday hanggang April 22.

Dagdag pa ni Villar na magtatayo din ang mga uniformed Motorist Assistance Teams ng navy-blue colored Lakbay Alalay tents para magbigay ng emergency assistance sa publiko. Remate News team