DPWH nag-abiso sa mga motorista sa ikakasang road repairs

DPWH nag-abiso sa mga motorista sa ikakasang road repairs

November 12, 2022 @ 12:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ang moderate to heavy traffic sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend sa pagpapatuloy ng road repair, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes.

Sa abiso, sinabi ng DPHW na dapat na habaan ng mga motorista ang kanilang pasensya sa pagdaan sa vital road sections dahil sa re-blocking at repair ng ilang kalsada ngayong weekend.

Simula alas-11 ng gabi nitong Biyernes, isinara ng DPWH National Capital Region (NCR)ang mga sumusunod na bahagi ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City para sa repair:

  • Northbound from Boni Serrano Flyover service road to Main Avenue, the first lane from the sidewalk;

  • Northbound after P. Tuazon Flyover to before EDSA/Aurora Boulevard Tunnel, the second lane from the center island (fast lane);

  • Northbound EDSA-Kamuning Bus Carousel Station after Aurora Boulevard near New York Street, the third lane from the sidewalk (intermittent section); at

  • Southbound from Balingasa Creek to Oliveros Footbridge.

Apektado rin ng road repair ang mga sumusunod na daan:

  • Commonwealth Avenue, southbound from Don Jose Street to Odigal Street, second and third lane (inner lane);

  • Cloverleaf EDSA northbound to a segment of NLEX, outer lane;

  • C-5 Service Road along the service road in Barangay Bagong Ilog near Monocrete Construction along Lanuza corner D. Julia Vargas near Valle Verde; and

  • Portion of C-5 Road in Pasig (KM 15+171 to KM 15+665), truck lane.

Base sa DPWH, muling bubuksan ang mga nasabing daan sa Lunes, alas-5 ng umaga. RNT/SA