DPWH nagtakda ng standard design sa solar-powered light

DPWH nagtakda ng standard design sa solar-powered light

February 23, 2023 @ 5:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng panuntunan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes, Pebrero 23 sa general design ng solar-powered roadway lighting sa mga pangunahing kalsada.

Sa ilalim ng Department Order (DO) No. 19, series of 2023, na inilabas ni Secretary Manuel Bonoan, laman nito ang standard design drawings, kasunod ng pag-aruba sa paggamit ng solar-powered street lights sa public works projects.

“In future DPWH projects with street light components, we hope to utilize solar-powered roadway lightings considering its stability, long service life, ease of installation, safety, and of course, energy efficiency, making it ideal for use alongside both new and existing roads,” saad sa pahayag.

Idinagdag din ni Bonoan na magsisilbing batayan ng DPWH Regional Offices, District Engineering Offices, Unified Project Management Office Clusters, at DPWH consultants ang DO 19 sa paghahanda ng mga ito ng design plans para sa mga road project.

Kabilang sa technical requirements sa ilalim ng panuntunan ay ang mga sumusunod:

– street lights must be uniform and free from dark bands or abrupt variations;
– could be high pressure sodium (HPS) or light emitting diode (LED) lighting.

– color temperature can vary between warm white and warm yellow and the use of ultraviolet light is prohibited;

– suitable for outdoor use and rated as ingress protection (IP) 65 per International Electrotechnical Commission (IEC).

Para naman sa mga pangunahing kalsada, sinabi ng DPWH na ang light arrangement ay maaaring single, axial, opposite o staggered, habang ang secondary roads ay maaaring gumamit ng single, opposite, o staggered lighting arrangement; at ang tertiary roads ay pwedeng gumamit ng single o staggered lighting arrangement.

Itinakda rin ng naturang kautusan ang tamang lamp wattage, mounting height, spacing, at paggamit ng pole arms, depende sa uri ng kalsada, lapad, dami ng lane at mga intersections at merging sections na mas nangangailangan ng higit na liwanag upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista. RNT/JGC