DQ AT ITR

DQ AT ITR

February 17, 2022 @ 8:03 AM 4 months ago


HINDI pa natatapos ang laban para manatiling kandidato sa pagka-Presidente ang dating senador na si Ferdinand R. Marcos Jr.

Kamakailan lamang, naghain ng motion for reconsideration ang grupong party list na Akbayan upang hilinging baligtarin ang desisyon ng Commission on Elections First Division na nagbasura sa pinagsama-samang petisyon para idiskuwalipika si Marcos sa pagkandidato bilang Pangulo.

Kinuwestyon ng Akbayan kung ang nabanggit na pasya ay ibinaba ng ‚Äúisang validly-constituted Division‚ÄĚ dahil dalawang komisyuner lang ng First Division ang nagpasya sa Resolusyon nitong Pebrero 10.

Matatandaang ibinunyag ng presiding commissioner ng First Division, si Rowena Guanzon, na bumoto siya upang idiskwalipika si Marcos subalit ang ponente ng kaso, si Commissioner Aimee Ferolino, ay sinadya umanong ipagpaliban ang paglalabas ng desisyon hanggang sa tuluyang makapagretiro si Guanzon upang mawalan ng bisa ang dissenting opinion nito.

Totoo man o hindi ang akusasyon ni Guanzon, nababalot na ngayon ng pagdududa ang Comelec dahil sa kahina-hinala at kumbinyenteng paraan kung paanong basta na lang nitong ibinasura nang ganoon ang pinag-isang mga petisyon laban kay Marcos.

Sa apelang mapawalang-bisa ang pasya at magdaos ang Comelec ng en banc session sa kaso, mistulang inabutan ng Akbayan ng lifeboat ang komisyon para isalba ang integridad nito.

Bilang nag-iisa at pinakamakapangyarihang awtoridad sa paghahalal ng bagong Presidente sa Mayo 9, dapat na buong sigasig na samantalahin ng Comelec ang oportunidad na ito.

*         *         *

Maaaring hindi ako ang nagpetisyon ng mga kasong ito para sa diskuwalipikasyon o wala ako sa ligal na posisyon para punahin ang desisyon ni Ferolino, pero bilang mamamayang Pilipino at botante, hindi ko maiwasang makaramdam ng pang-iinsulto.

Paanong hindi ako makikiisa sa sentimyento ng mga nagbabayad ng buwis na hindi magawang isipin ang posibilidad na pagsapit ng Hunyo 30, pikit-mata nating tatanggapin ang isang pinuno na hindi nagbayad ng buwis na pinaghihirapan nating bayaran hanggang sa kahuli-hulihang sentimo sa bawat taon ng ating paghahanapbuhay?

Kaya naman ang opinyon ni Guanzon na nagkasala si Marcos ng ‚Äúmoral turpitude‚ÄĚ dahil sa paulit-ulit nitong pagkabigong maghain ng income tax returns ay lagi nang umaalingawngaw sa aking isipan na parang isang masamang musika.

Tinukoy ni dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang isang linya sa pasya ni Ferolino na nagsasabing ang ‚Äúkabiguang maghain ng tax returns ay hindi likas na mali dahil wala namang batas na nagpaparusa rito.‚ÄĚ

Sinabi ni Henares na kung totoo ngang ganito ang pinaniniwalaan ni Ferolino sa ginamit sa pagpapasya sa kaso ni Marcos, dapat na subukan din ng komisyuner na huwag maghain ng ITR para makumpirmang wala itong dapat panagutan sa batas kapag ganoon.

Matapos umani ng batikos si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa pag-angkin niya sa mahigit P50-milyon campaign contribution na sumobra sa ibinuhos ng kanyang mga tagasumuporta noong 2016, siya lamang ang nag-iisang opisyal ng gobyernong kilala ko na umamin sa publiko sa pagtatago ng sumobrang campaign fund at binayaran ang buwis niya para roon.

Sa kanyang halimbawa, kulang na lang ay sabihin ni Moreno na ang paglusot sa tax conviction at pag-absuwelto rito ng Comelec para makakandidato para sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay maaaring magdulot ng chilling effect. Sino naman ang gugustuhing magbayad ng buwis kung may umiiral na double standard?

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa¬†[email protected]¬†o mag-tweet sa @Side_View.