DQ case ikinasa vs ex-Palawan Governor Reyes

DQ case ikinasa vs ex-Palawan Governor Reyes

May 4, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihirit sa Commission on Elections (Comelec) na idiskwalipika si Palawan Gov. Mario Joel Reyes sa pagtakbo sa Halalan 2022 matapos ma-convict dahil sa graft.

Sa 16-pahinang petition for disqualification, sinabi nina Nasir Radjudin Miranda at  Mohammad Vinarao Asgali na nahatulang guilty si Reyes ng antigraft court noong Agosto 29, 2017, dahil sa iligal na pag-renew ng permit ng small-scale mining company na lumabag sa batas.

Ayon pa sa petitioners, na kapwa rehistradong botante sa Bataraza, Palawan, na bukod sa six-year prison term, ikinasa rin laban kay Reyes ang lifetime ban sa anumang opisina ng gobyerno sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inilahad nila na ang hatol na guilty kay Reyes ay ikinasa ng Supreme Court noong Setyembre  2019. RNT/SA