DQ case vs Cagayan Gov Mamba ibinasura

DQ case vs Cagayan Gov Mamba ibinasura

March 7, 2023 @ 11:46 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission en banc ang petition for disqualification laban kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Ang petisyon ay inihain ng katunggali na si Zara Lara sa nagdaang halalan.

Binigyan diin naman ni Mamba na nangibabaw ang hustisya sa pagbasura sa petisyon laban sa kanya.

Si Mamba ay nakakuha ng boto sa mga Cagayanos na 302,025.

Patunay aniya ito na tiwala ang mga Cagayanos sa kanya at kung gaano kabuti ang panginoon upang mangibabaw ang katotohanan.

Binigyan diin din ng gobernador na wala siyang biniling boto noong eleksyon at pinagsikapan niyang mabigyan ng pamamahala ang kanilang lalawigan.

Pinasalamatan din ni Mamba ang Comelec at ipinangako na gagampanan nito nang mahusay ang kanyang tungkulin hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2025. RNT