DQ case vs Tulfo ibinasura ng Comelec

DQ case vs Tulfo ibinasura ng Comelec

March 1, 2023 @ 2:44 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang motion for reconsideration na inihain laban kay Rafael Tashiba Tulfo na noo’y senatorial candidate sa nakaraang Mayo 9, 2023 national at local elections.

Sa resolusyon na ipinahayag noong Pebrero 28 ng Commission en banc, nakasaad na walang valid reason upang baliktarin ang kautusan ng Comelec First Division na nagbabasura sa petisyon na may petsang Marso 4, 2022 na humihiling na idiskwalipika si Tulfo.

“Therein, it was established that the Motion ‘neither argues that the evidence on record is insufficient to justify the Assailed Order nor the ruling arrived upon by the Commission (First Division) is contrary to law’, in accordance with the grounds set forth under Section 1, Rule 19 of the Comelec Rules of Procedures,” sinabi ng Comelec.

Ipinunto rin ng en banc na wala na itong hurisdiksyon sa disqualification case laban kay Tulfo na ngayon ay miyembro na ng Senado matapos maiproklama bilang senador noong Mayo 18, 2022 at nanumpa noong Hunyo 22, 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden