DQ verdict vs Legazpi mayor iaapela

DQ verdict vs Legazpi mayor iaapela

October 6, 2022 @ 12:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal na inihahanda na ng kanyang mga abogado ang Motion for Reconsideration (MR) na ihahain sa loob ng limang araw matapos pagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyon para idiskwalipika siya sa May 2022 elections para sa paglabag sa probisyon ng Omnibus Election Code (OEC) sa disbursement ng pampublikong pondo sa panahon ng halalan.

Sa isang pahayag na inilabas sa pamamagitan ng kanyang social media account, sinabi ni Rosal na natanggap nila Martes ng hapon ang Comelec’s Resolution na nagdidisqualify sa kanya bilang Mayor ng Legazpi City.

“With all due respect to the Second Division of the Comelec, it is settled in law that a person becomes a principal by indispensable cooperation when he performs an act, without which the offense would not been accomplished,” ani Rosal.

“In my case, I cannot fathom how my alleged appearance during the questioned event was “indispensable”, considering that it would have pushed through just the same — with or without my appearance,” dagdag pa ng diniskwalipikang alkalde.

Sa kabila ng desisyon, sinabi ni Rosal na patuloy niyang gagampanan ang kanyang mandato sa lungsod na ipinagkaloob sa kanya ng karamihan ng mga residente at hindi na sasagutin ang anumang karagdagang mga katanungan tungkol sa kanyang kaso.

Sa isang 19-pahinang resolusyon na inihain noong Martes, ang dibisyon ay nagpasya na pabor sa petitioner na si Joseph San Juan Armogila, na tumakbong konsehal ngunit natalo sa mga huling botohan, upang i-disqualify si Rosal mula sa mayoralty race. RNT