Dr. Helen Tan, nanumpa na bilang kauna-unahang babaeng gobernadora ng Quezon

Dr. Helen Tan, nanumpa na bilang kauna-unahang babaeng gobernadora ng Quezon

July 3, 2022 @ 10:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – BILANG kauna-unahan sa kasaysayan ng Lalawigan ng Quezon, nanumpa at pinasinayaan si dating 4th District Representative Doktora Helen Tan bilang kauna-unahang babaeng gobernadora ng lalawigan matapos ang landslide victory sa katatapos na halalan noong Mayo 9, 2022 elections.

Nanumpa bilang bagong Gobernador ng Quezon si Doktora Tan kay Honorable Justice Jhosep Lopez kung saan nakapatong ang kanyang kamay sa Bibliya na hawak ng kanyang asawang si Engr. Ronnel Tan.

‘Tapos na ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng maliliit sa lipunan. Panahon na ng serbisyong may kabuluhan at pakikinabangan ng lahat. Mula sa Distrito Kwatro at ngayon sa buong Lalawigan ng Quezon, handog natin ang Serbisyong Tunay At Natural para sa bawat tao, para sa bawat komunidad, para sa bawat sektor, para sa bawat barangay, para sa bawat bayan at siyudad patungo sa isang “Isang Malusog at Asensadong Lalawigan na Iniangat ng Maasahang Serbisyo at Makapangyarihang Mamamayan””, pahayag ni Gov. Tan sa kanyang talumpati kung saan ipinangako niyang bibigyang importansya ang kalusugan ng lahat ng mamamayan kasabay ng pagbibigay serbisyo sa edukasyon, agrikultura, kabuhayan, inprastraktura, kalikasan, services for education, agriculture, kapaligiran at turismo at mabuting pamamahala, ito ay makaraang magtugumpay ang livelihood, infrastructure HEALING agenda sa 4th District ng Quezon.

Bilang may akda ng landmark na batas na “Universal Health Care Act”, ipinangako ni Gov. Tan ang kanyang paninindigan sa mamamayan ng Quezon na magkaroon ito ng access sa komprehensibong bahagi ng kalidad at cost-effective, promotive, preventive, curative, rehabilitative at palliative na serbisyong pangkalusugan nang hindi mabigat sa bulsa at nagbibigay prayoridad sa kanilang mga miyembro ng populasyon na hindi makakayanan ang ganitong uri ng serbisyo.

Kabilang sa maraming adhikaing pag-unlad ni Gov. Tan ay ang pagpapataas ng investment sa pasilidad pang-edukasyon, kagamitan at mga tauhan upang tiyakin ang kalidad ng edukasyon; paglikha ng yaman sa pamamagitan ng pagpapalakas sa sektor ng agkrikultura ; pagtatatag ng Local Economic Development and Investment Promotion Office; pagpapabilis ng pagtatayo ng imprastraktura sa ilalim ng “Build, Build, Build” program upang bigyan daan ang golden age ng infrastructure development sa buong Lalawigan ng Quezon; pagtataguyod ng sustainable tourism programs at hikayatin ang mas marami pang turista na bumisita sa lalawigan sa pamamagitan ng iba’t-ibang tourism options gaya ng health and wellness, ecotourism, cuisine, sun and beaches, history and culture; at pagtatayo ng mas accountable, transparent, participatory, responsive, inclusive, dynamic, effective, at mahusay na pamahalaang panlalawigan na magtataguyod ng kapakanan ng lahat ng mamamayan.

Itinampok din ni Gov. Tan ang kanyang digitization program na siyang magbibigay daan para sa mas mahusay na at epektibong public transaction sa lahat ng social services.

Dumalo sa makasaysayang inagurasyon ang miyembro ng pamilya Tan sa pangunguna ni DPWH Regional Director Ronnel Tan kabilang na ang mga VIPs sa Quezon Convention Center at kasama rin ang mga matataas na opisyal mula sa iba’t-ibang national at local government agencies, gayundin mula sa religious sector at militar.

Sa kanyang inaugural address ay binigyan din ni Gov. Tan ng paunang tanaw sa kanyang programa at proyekto na nakatuon sa positibo, pagkakaisa at pag-asa ang lahat: “Ito na ang panahon upang isantabi ang mga kulay na naghahati-hati sa atin. Ito na ang pagkakataon upang ipakita ang lakas ng ating kakayahang bumuo ng isang malusog at maunlad na pamayanan para sa ating mga anak at sa mga susunod na salinlahi”, pagdedeklara ng gobernadora.

Isang araw bago ang inagurasyon ay binisita ni Gov. Tan ang mga tanggapan sa ilalim ng Provincial Governor’s Office upang makita at batiin ang lahat ng mga empleyado nito sa kapitolyo at nagtapos sa pagbisita sa Quezon Medical Center upang mabilis na matugunan ang mga usapin kaugnay sa paghahatid ng serbisyo sa ospital. RNT