Dr. Sally Gatchalian, pumanaw na vs. COVID-19

Dr. Sally Gatchalian, pumanaw na vs. COVID-19

March 26, 2020 @ 9:49 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumanaw na si Philippine Pediatric Society president Dr. Sally Gatchalian matapos makipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat, kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Ruby Rodriguez.

“We will only remember you with happy memories, laughing and sleeping, your johnson outfits and all… Be at peace, do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!” pahayag ng aktres.

Si Gatchalian ay nagsisilbi ring assistant director sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Ruby na naka-confine ang kanyang kapatid at sinabing “She is weak but stable.”

Samantala, sinabi ni Dr. Rustico Jimenez, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, si Gatchalian ang pang siyam na doktor na binawian ng buhay dahil sa virus. Remate News Team/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...