Draft federal constitution, ibinalik sa committee level…VP Robredo gagawin nang successor

Draft federal constitution, ibinalik sa committee level…VP Robredo gagawin nang successor

October 11, 2018 @ 11:19 AM 4 years ago


Manila, Phhilippines – Ipinabalik ng House Plenary sa Committee Level ang draft federal constitution para itama na si Vice President Leni Robredo ang gawing successor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na magkaroon ng transition government para sa federal government.

Unang nagmosyon sa House plenary si Cebu City 1st District Rep. Raul del Mar na ibalik sa House Committee on Constitutional Amendments ang draft federal charter at isaayos ito sa pamamagitan ng pagsasama sa Vice President sa first line of succession at wala namang tumutol sa mosyon nito.

Kasunud nito sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr na magsusumite ng amendments sa komite ang majority bloc kaugnay sa nasabing isyu.

Una nang umani ng batikos lalo na sa kampo ni Robredo na tinawag nitong desperate move  ang nakapaloob sa draft federal constitution partikular ang Article XVII Section 4 ng Resolution of Both Houses  na nagsasabing kung mapapalitan ang Pangulo ay ang incumbent Senate President at hindi ang Vice Presient ang dapat na humalili dito na taliwas sa Section 8, Article VII ng 1987 Constitution na nagtatakda na ang Vice President anguna sa line of succession na susundan ng Senate President at kung wala ang dalawa ay ang Speaker ng House of Representatives./Gail Mendoza