Manila, Philippines – Personal nang tinanggap nina House Speaker Pantaleon Alvatez at Majority Leader Rodolfo Fariñas ang draft constitution ng Consultative Committee para sa Federal Form of Government.
Si dating Chief Justice Reynato Puno na tagapamahala ng Con-Com ang mismong nagpasa ng draft sa House of Representatives.
Ayon kay Speaker Alvarez, babasahin muna nila at pag-aaralan ang kopya ng draft at pag-uusapan ang mga nakapaloob dito.
Sa kabila nito, hihintayin pa rin nila ayon kay Fariñas ang official transmittal nito mula sa Office of the President bago nila ito pormal na simulan. (Remate News Team)